July 12th, 2009
Eto na! POSTED AT 04:00 AM in Love Eklavu! para sa mga chismosang naghihintay ng update *turo ke cleotie* ahahahaha! at napa-tumbling ako sa hula ni gasul. marriage proposal? ahahahahaha! ganito kasi: march 2009, pinag-match namin yung friend/ officemate ko at yung pinsan ni anjowako. e dahil magagaling kaming cupids, kahapon kinasal na sila. hindi naman kabilisan di ba? ahahaha. so dahil kaming dalawa ang salarin, siyempre invited kami sa wedding. isa lang ang naisip ko nun, andun ang mga relatives ni anjowako *malamang naman di ba?* so yun nga, first time ko silang makita sa personal. e yun yung nakaka-tense di ba? yung mami-meet mo yung family ng jowamo. ewan ko sa niyo, pero sa kin yun ang nakaka-tense. di mo kasi alam kung ano magiging impression nila sa yo eh. e alam niyo naman ako, di naman ako ka-friendly-han looking sa personal di ba? ayun, yun na ata ang pinaka-awkward na situation na napuntahan ko. yung tipong hindi mo alam kung paano ka kikilos. hindi ka pwedeng umepal kasi magmumukha kang epal. at hindi ka pwedeng umepal kasi wala kang karapatan. at isa pa, nakadress ako nun kaya nahihirapan talaga ako kumilos, nyahahahahaha! pakiramdam ko ang haba ng oras kahapon. pero masaya yung wedding. yung groom na dati hindi naman ako kinakausap, aba kahapon parang close kami? di ko alam kung ano nangyari. hahaha! (siya yung friend ko na bride. wag ng pansinin ang braso, alam ko na yuuuuun...) eto yung magandang part ng day. after ng wedding, sumama yung bunsong anak nanjowako sa paghahatid sa akin pauwi. itago natin siya sa pnaglang baby trasher. na-amaze kasi siya nung tawagin ko siyang trasher kasi marunong siya magskateboard. alam ko daw pala yung term na yun, hahaha. nakakatuwa siya, feeling close kami. tita cha tawag niya sa kin. (si baby trasher..) (one big, happy family! ako yung big, sila yung family.) nung nasa loob na kami ng sinehan, nung una nasa gitna siya. e lumipat siya sa unahan para mas maganda daw so lumipat ako sa dati niyang seat. nung bumalik siya, akma (akama talaga???) akong tatayo para lumipat ng upuan. sabi niya, "no, no. you can stay there." tapos nakakatulog na siya nung gitna na ng movie. e nalalaglag yung ulo niya kaya pinasandal ko siya sa balikat ko. dun siya nakatulog. awwwww, katuwa. yun lang ang update. okay na ba yan cleotie? ahahahaha!
20 Nakapanchin!!!
|
|
alam mo yung feel mo sa kanya na tanggap ka niya para sa daddy niya. talagang kinukwento niya ko saka ine-entertain. yun nga lang, sumasakit ulo ko sa pakikipag-usap, puro english eh. feeling ko nasa trabaho ako, hahaha. pero infairness dun sa bata, nagtatatagalog siya minsan pag ako ang kausap. nagpunta kami sa gateway, meron na palang 3D dun na sinehan. first time, ahahahaha!

charee (guest)

p.s
ndi naman syadong mbilis na nagpakasal sila diba? nauna pa senyo.. hehe!
princesscha

kyin

southbitch (guest)

coffeecat

at eksyusmi, switipay, di ka malaki. seksing-seksi ka! XD
princesscha

p0kw4ng (guest)

princesscha

supercutiemax

uy, alam ko iniisip mo ha. sabi ko nga di ba, pahinga muna ako sa dating scene! hahaha
nga pala sisterette, ramdam na ramdam namin na happy ka sa post mong ito. at happy rin kami para sa iyo.. *iyak*
karapat-dapat na itong iclap-clap!
princesscha

medyo magkatext na sila before pero nun lang sila nagmeet. saka dati pag tinatanong ko yung friend ko, wala lang daw silang dalawa. pasulpot sulpot lang daw yung textan.
kaya ikaw wag kang magmadali. kasi kung talagang time mo na, time mo na! parang ampanget pakinggan, hahaha.
cleotie

tama si Aubrey, lumelevel na! at nalurkey naman ako sa bilis ng mga pangyayari =)
princesscha

jong

ang saya ng anak ko! :D
princesscha

oo nga po eh. sana lahat sila ganyan kabait ke baby trasher no? :)
jong

princesscha

jong

kyin

Aubrey (guest)
grabe pala kayo magmatch noh, nauuwi sa kasalan. kashokot muahahaha! :D
princesscha

kung gusto mo magpamatch girl, contact mo lang ako. libre pa sa ngayon. pero kung ganyan lagi kabilis ang nagiging result, magpapabayad na kami sa sunod. hahahaha!