Princess' Diaries ang laman ng blog na ito ay mga walang kwentang pangyayari sa aking buhay. kadalasang walang saysay at di kapupulutan ng aral. patnubay ng magulang ay kinakailangan.

October 13th, 2008

Sa Kabilang Mundo ng Diosa
POSTED AT 06:35 PM in Mga kung ano-ano lang :P

SING ka na.. SING ka pa.. ilabas ang magic SING.... SINGAPORE!!!!

ayun nga, nakarating din sa kabilang panig ng earth sa wakas. sabi nga ng anjowako, start daw ng dream come true (?) ko.

umpisahan ko sa simula ng araw.. usapan namin ni jay (yung kasabay ko) na magkikita kami para pumunta sa eyrport ng 3 am. so ako naman maagang natulog para makatulog man lang daw ako ng 5 hours. e biglang nagtext ang hitad ng 12 midnight, para lang ipaalam na nun pa lang siya mag-eempake. so ako naman nagising sa tunog ng cel ko. akala ko alarm. after nun di na ko nakatulog ng maayos.

tapos di ko alam kung dahil ba sa tension or dahil lang sa iniinom ko kaya nag-iinarte yung tiyan ko. lalong hindi na ko nakatulog sa pag-iisip na baka mapoo-poo ako sa biyahe... nakakahiya....

dinaan ko na lang sa dasal, na sana wag ako ipahiya ng pwet ko. nagkita kami ni jay around 3:20 am. sooobrang aga, pero mas okay pala na ganun ang ginawa namin dahil sa sumunod na mga pangyayari.

pagdating ng airport, siyempre mejo tensed pa ko kasi first time nga. buti na lang talaga marunong na yung kasabay ko. nauna siya mag-check in. sumnod ako. after niya magcheck-in ng bagahe niya bayad na ng airport churchur. so ako andun pa lang sa baggage check-in. mayamaya sabi ng babae, "mam, wala kayo sa naka-book today". so ako naman nagtaka kasi may hawak naman akong print-out ng ticket. check li siya sa ibang pc, wala pa din name ko. try sa kabilang pc, wala pa din. text ko na agad si jay. humingi na ng tulong sa kasama niya yung nag-aassist sa kin. based daw sa records nila, nakabook ako ng october 11. so ako naman, pinipilit ko talaga na ngayon yung flight sched. punta daw kami sa ticketing office. pagdating sa ticketing office, nire-book nga daw ng october 11 yung sched ko. nakakainis na, pero wala naman kami magagawa, wala din daw silang magagawa kasi yun daw ang nasa database nila. kung kasalanan man daw ng nagbook, di pa din nila sasagutin. so ang natitirang option na lang e wag ako umalis kasi wala akong ticket or magparesched ng sched. yung huli ang pinaka-sensible gawin (sa tingin ko). kaya ang resulta nagbayad pa ko ng PhP9,200 plus yung airport fee na PhP750. ang aga kong naholdap.

so akala ko okay na. balik uli kami sa counter. nung turn ko na biglang nagdown daw ang system! shet, ang dami naman atang kontra sa pag-alis ko. after ng ilang sandali, naging okay naman. so akala ko okay na. habang naghihintay ng boarding time, biglang may tumawag. nalaman ang nangyarin holdap sa kin sa airport. ayun, ke aga aga nasabon ako ng walang anlawan.

so pagkatapos pa ng ilang oras, nakarating din ng maayos dito. ang kinatatakutan at soooobrang pinaghandaan kong immigration officer (talagang may ala pa kong kung ano anong supporting papers) dun naman walang kahirap-hirap. pero! at least kahit may maagang hassle, natupad yung unang wish ko: na maging maayos yung biyahe.

ang bilin sa kin, pagdating namin ng singapore, tumawag ke money-jer. so ganun agad ang ginawa namin, nanginginig pa. ayuuuun, late. papunta pa lang sa airport, ini-expect daw kasi niya na delayed yung flight. dumating kami ng airport ng 9:30 am, inabutan na kami ng lunch break ng mga airport officials wala pa din ang sundo namin! kainaman.. ayun, pagdating niya, inuto niya kami ng pichur na pam-blog. syet, ambabaw namin.

hanap agad kami ng makakainan. wala silang nagustuhan. nakakainit na ng ulo, masama pa tiyan ko. so sakay na naman kami para pumunta sa kabilang panig ng earth. akala ko pagdating dun okay na sa mcdo lang o kahit saang malapit na kainan. sus, naghanap pa kami ng foodcourt. anhaba haba ng nilakad. siguro nung di na din nila matiis ang gutom, pinasok na namin yung pinakamalapit na kainan.

di naman halatang gutom kami.

itchy pare, sana kasama ka namin dito. kasi naman eh.


19 Nakapanchin!!!

Login to your account to post comment

You are not logged into your Tabulas account. Please click here to login.

Post comment as a guest

Your name:

Your email: (will not be posted publicly)

Your website:



Comment posted on October 20th, 2008 at 02:04 PM
mukhang super enjoy mo ang singapore galore mo ah?! :)
Comment posted on October 17th, 2008 at 07:41 AM
wow singapore ka na

anjowamo (guest)

Comment posted on October 14th, 2008 at 11:49 AM
hi babe, i'm glad they're feeding you well there in singapore, pero why puro yata fries? malamang yun ang natira after you ate all the meat haha, anyways, you have back up medicine naman to strip all the unwanted calories away... besides, when you start eating their native food, you wouldn't need your medicine anymore kasi their food has natural laxative properties - the spices alone will do the trick...

amishoo babe!
Comment posted on October 14th, 2008 at 01:02 PM
hindi babe, natabunan lang ng mga fries yung mga seafoods jan, hahahaha. sabi ko kasi rice eh, ang binigay fries. bibo! haahahha.

di ko nga lam kung magugustuhan ko food nila, pero dahil sa natural laxative churchur na yan, lalaklakin ko pa mga pagkain nila, hahahhaha!

amishoo too babe! *yihee!* =D

anjowamo (guest)

Comment posted on October 14th, 2008 at 01:42 PM
whatever you do babe, do not try the singapore sling, mas masarap ang mindoro sling ng puerto galera haha =P
Comment posted on October 14th, 2008 at 02:26 PM
dont worry babe, di ko naman ata tataluhin yang mga sling na yan, bukod na lang kung anjan ka sa paligid to catch me when i fall, hahahahaha.

Aubrey (guest)

Comment posted on October 14th, 2008 at 08:57 AM
wowowee! nasa singapore na nga! kaya pala idle siya lately hahaha. grabe ayaw mo ng french fries ha??

enjoy ka lang dyan cha and sana may makita kang work pra may pupuntahan ako pag ako naman ang nag-singapore.:D may ganon talaga? onga pala, yung singaporean dude ko ha.:P that's all thank you.
Comment posted on October 14th, 2008 at 09:06 AM
pinapili kasi kami kung fries or rice. sabi ko rice ang kasama nung mga seafood eclavu. ayun, narinig naman niya, binigay niya sa FRIES, wahahahaha!

meron na girl, pagdungaw ko sa bintana kanina may nakita akong singkit na naglalakad. tatanong ko na lang mamaya contact details tapos send ko sa yo ha, ahahahaha!
Comment posted on October 14th, 2008 at 07:35 AM
Goodluck pare.. sorry talaga.. sana maging sucessful ka dyan at matupad mo na lahat ng mga pangarap mo.. I'm starting to rebuild my life na, alam mo 24 na. Kailangan nang tuparin ang mga dreams... BTW, I texted you kahapon, hind mo na yata narecieve.. Ingat ka dyan pare... Goodluck
Comment posted on October 14th, 2008 at 08:40 AM
sus dude, ganyan din ang linya mo ng magyaya ka papunta dito.

nareceive ko text mo kaya nga nag-offline message ako. andito na ko nung mareceive ko yun.
Comment posted on October 14th, 2008 at 08:48 AM
nagyon pa lang ulit ako nakapag net at hindi ko pa nache-check ang aking yahoo mail.

Sorry pare, pero alam ko na kung ano ang gusto ko ngayon at saan ako papunta...
Comment posted on October 14th, 2008 at 08:55 AM
ako pala ang dapat magsabi sa yo ng goodluck.

goodluck dude!
Comment posted on October 14th, 2008 at 09:09 AM
thanks dude!
Comment posted on October 14th, 2008 at 05:25 AM
oy, nandiyan ka na pala! :))

bakit naman ganun yung binayaran mo? Php 9,200?! ang mahal ha. ba't yung kasama mo, nakalista siya, ba't ikaw hindi, e magkasabay naman kau ng flight? hay naku. dapat nagreklamo ka talaga ng bonggang-bongga. as in gumawa ka ng eskandalo sa airport dahil hindi mo naman kasalanan yun at hindi mo kailangang magbayad!

hay, grabeh ha. kung anu-anong kaek-ekan na ang ginagawa sa Pinas para magkapera lang. tsk.. tsk..

anyway, goodluck sa buhay singapore! update mo kami at magpost parati ng maraming pics para na-tour na rin namin ang singapore ;P
Comment posted on October 14th, 2008 at 08:31 AM
oo, andito na ko.

kasama na kasi dun yung travel tax, dalawang beses na rebooking fee saka yung kulang sa fare (kasi nga iba na ang price from previous booking). hindi naman kami sabay nagpabook nung kasama ko, nagkataon lang talaga na sabay kami. ate ko ang nagpabook, at siya din ang salarin ng rebook.

thanks girl ng bonggang bongga! =D
Comment posted on October 14th, 2008 at 03:46 AM
hahaha..picture agad eh..di man lang ininda ang panghoholdap sa kanya!

di nga halata...kawali talaga ang lalagyan eh=)
Comment posted on October 14th, 2008 at 08:26 AM
indahin ko man, mababalik pa ba yun?

di ko nga naubos yan, tinake out na lang namin. si ate jing din umubos pagdating ng bahay.
Comment posted on October 14th, 2008 at 01:37 AM
wow ang daming french fries! :D one day makakapunta din ako sa Singapore
Comment posted on October 14th, 2008 at 08:24 AM
para sa french fries? =D

sana andito pa ko pagpunta mo. =)
 User


princesscha

 Navigation
Home Content
Profile Friends
Gallery Friends Of
Links Archives
Favorites
 Communities
 Tagboard
your name:

url:

your message:

 My Links
 Categories