September 3rd, 2008
Pagbabalik sa Aking Nakaraan :) POSTED AT 08:19 PM in Mga kung ano-ano lang :P balik school ako kanina. binisita ko yung school na pinagtrabahuhan ko dati for 4 years! mejo may kalayuan dito yun sa bahay. mga isang oras na biyahe sa coaster or van. tapos 20 minutes na biyahe sa tricycle or motorbike. e kamalas-malasan, sa duwapang na tricycle ako sumakay nung papunta dun. wala ako nagawa, ke aga-aga naholdap ako. tsk tsk. so pagdating ko sa school, nasa loob ng simbahan lahat ng tao: sportsfest pala nila. galing kong tumayming! mukha namang excited silang makita ako, bwahahaha! may pa-hug hug pa yung ibang teachers dun na hindi ko naman ka-close dati, hahaha. ampaplastik! at dahil nun lang ata sila nakakita uli ng maputi (joke uli!), instant judge ako sa isang event. na hindi ko naman talaga alam i-judge kasi di naman ako sumasali dito: ang PEP SQUAD! aba, lumi-level ako sa mga high ranking people ng school, imperness. parang ka-level ko na yung director, principal at asawa ng vice mayor kasi sila ang mga kasama ko sa pag-judge. at isa pang pag-level! binabati na ko sa opening remarks ng principal, bwahahahahaha! eto ebidensiya: ang talent fee ko lang jan e libreng mineral water, bwahahaha! wala pa ding pagbabago ang school ko, hmp! so after ng judging, nag-campus tour ako. ehehehe, artistahin talaga. binisita ko yung elementary department, yung teritoryo ko dati. yan ang first classroom kong pinagturuan 6 years ago. hindi ganyan itsura nun dati. bago lahat nun. from paint ng buong classroom, mga upuan pati ako bagong salta lang sa pagtuturo, hahaha. bago talaga lahat! madaming nabukulan jan, madaming estudyanteng nag-away, may nagsaksakan pa ng lapis, pero mas madami yung mga happy moments. nung makita ko nga mga estudyante ko kanina, parang mejo nagpanic ako kasi anlalaki na nila! ibig sabihin tumatanda na ko, waaaahhhh... maliliit pa sila nung iniwan ko, pagbalik ko anlalaki na nila!!! anlalaki din ng mga ngipin!!! wahahahaha.. at siyempre, ang nakakaiiritang reaksiyon nila nung makita ako: "ang taba mo na... pero maganda..." hindi ba pwedeng mauna muna yung maganda bago yung mataba??! request lang. tapos yung isang epal na parent kanina nung makita ako, "teacher cha, ang taba mo....!" sabay ngiting plastik. so plinastikan ko din ang ngiti ko sabay sabi sa isip ko, "hello?! di tayo close?? actually last na magkita tayo hindi tayo okay. asar ako nun sa yo, okay?? at asar din buong faculty ng elem sa yo kasi lahat na lang nireklamo mo para lang maiangat ang grades ng anak mo. tapos ngayon, feeling close ka?!" pero hindi niya naririnig yan, hahaha. iniisip ko kanina, gusto ko bang bumalik sa teaching profession? isang malaking NO!! parang ganito, "i remember the boy, but i don't remember the feeling...anymore...." bahala na kayong mag-connect!! 15 Nakapanchin!!!
|
|
pagpasok ko ng simbahan, instant celebrity ako, hahaha. nakatingin sa kin mga estudyante. umakyat ako sa loft para di muna makaabala ke Jesus (joke!) may ilang mga estudyante ako dati na kumakaway sa kin, so kaway din naman ako. baka sabihin suplada ako sa personal, bwahahahaha!


aisheru

princesscha

aisheru (guest)
lyzius (guest)

titser ka pala??????
di halata!
princesscha

cutiemax25

ewan ko kung saang part yung sinasabi nila na mataba ka.. hindi ko makita.. in fairness :)
ui, nakangiti yan... hehehe
princesscha

nabuhay naman, naiwan nga lang ata yung lead nung lapis sa loob ng katawan, bwahahahaha!
Rrakeilsel08
princesscha

wala akong pasensiya sa mga bata. parang pare-pareho lang kaming immature! :)
Vki

princesscha

l-mangyan-l

saang school ka ba nagturo bakit parang hindi catholic school yan,hihihi...
princesscha

frankstub14
princesscha
