August 26th, 2008
ex. POSTED AT 12:43 PM in Mga kung ano-ano lang :P normal ba yung feeling? kanina kasi bigla na lang sumulpot yung ex ko dito sa office (may kinuha atang papel or whatever). pwede naman kaming di magkita kasi mejo private naman tong work station ko, pero bigla na lang sumulpot sa harap ko. at alam niyo yung feeling? parang di ako makahinga. naninikip yung dibdib ko tapos mejo kinakabahan ako (mejo lang talaga yung kaba, wag ng kumontra.) at alam niyo ba ang sinabi niya nung makita ako? "ang taba mo ngayon ah...." PUCHA to the highest level!!! sa lahat naman di ba? pwede namang wag na lang magsalita! malabo yung sinabi niya eh pero ganyan ang pagkakarinig ko. so sabi ko na lang, "o, bakit nagpapacute ka ngayon dito?" blangko ang expression ng mukha ko. pero ansarap batuhin ng upuan sa tabi ko. di ko na siya gusto or mahal, SURE AKO DUN. nagtataka lang ako bakit ganun. nakaka-tense din pala. siguro na rin, yun ang first meeting namin after nung final break up. siguro nga ganun na lang. 11 Nakapanchin!!!
|
|
Vki

princesscha

hindi siya makakatikim ng ngiti sa kin, wahahahahaha!
Rrakeilsel08
princesscha

sayang nga eh. di ako nakahirit agad eh. masyadong mabilis ang mga pangyayari, hahaha! pero kailangan ko makabawi!
Rrakeilsel08
at saka, "Hello" di ka naman mataba no! Cute ka nga eh! Alam mo, kung talagang wala akong Lito, eh baka ligawan kita :D
princesscha

at saka panget niya ngayon, mukha siyang balot. :D
Aubrey (guest)
princesscha

Rrakeilsel08
princesscha

Rrakeilsel08