Princess' Diaries ang laman ng blog na ito ay mga walang kwentang pangyayari sa aking buhay. kadalasang walang saysay at di kapupulutan ng aral. patnubay ng magulang ay kinakailangan.

April 30th, 2008

Mga Baklitas
POSTED AT 11:53 AM in Mga kung ano-ano lang :P

Paunang Salita

: ang nilalaman ng talang ito ay nanggaling sa aking sariling opinyon at karanasan. walang kinalaman ang suhol, galit at kung ano-ano pa, hahaha. basta, makibasa na lang.

Nag-blog na din lang naman ako tungkol sa tatay ko, mga sisterloo ko naman ngayon ang ichi-chismis ko. sunod si nanay, pang-mother's day presentation para buong family ko na ang chinicmis ko, hahaha! Akshali, apat kaming mga dilag sa pamilya. ako ang pangatlo.... ang api-apihan.... ang hindi kinakampihan... ang hindi pinapaboran!.. ay, sorry, na-carried away lang, hahaha! (pero unfair pag nasa gitna ka di ba? hindi ka pinagbibigyan kasi hindi ka panganay at hind ka bunso. hirit pa talaga! hahaha!)

ATE YMAY: 30(?) di ko sure ang edad, hahaha. sensiya na girl, after mong mag-25 tumigil na ko sa pagbibilang ng age mo kaya patawarin mo na ako. forever kang 25 sa kin.

panganay namin yan. astig ng bahay nung bata pa kami, sobrang sungit kasi. na-addict dati yan sa coke nung bata pa siya, e bawal nun ang coke sa bahay kaya kahit sa loob ng cabinet niya tinatago niya ang bote para di makita ng motherloo. ganun siya katindi! at sa sobrang adik nya, umuutang pa yan sa tindahan sa tapat namin para lang masustentuhan ang kaadikan niya. e siyempre pag nalaman ni nanay, papagalitan siya. kaya alam na alam namin ang issue na yun nun kahit maliliit pa lang kami. aside from coke, matindi ding magyosi yan. e bawal nga kasi highschool pa lang ata siya nun, kaya nagtatago yan sa cr, kunyari je-jebs pero paglabas niyan, amoy usok ang banyo. mga style, hahaha! walang takot yan sa tatay ko, favorite kasi siya kasi siya yung carbon copy ni tatay. saka nagti-take advantage na din kasi laging wala si tatay sa bahay. natatandaan ko din dati, siya ang unang nagpa-iyak sa nanay ko, hahaha! sa problema sa kanya. sa boys ata or dahil sa hindi pag-aaral. e siyempre panganay, kaya lahat ng pangarap nina nanay at tatay e sa kanya nakabuhos. lahat ng first kanya eh. first graduation, first first communion, fisrt apo, nyahahaha! may pagka-sweet din naman yan. one time, nagregalo siya kay tatay, pero yung pinangbayad niya sa regalo eh kinupit lang din niya sa bulsa ni tatay nung bisistahin siya sa boarding house niya dito sa manila nung college pa siya. wise yan, hahaha!

siya din ang unang-unang inakyat ng ligaw sa bahay namin, hehehe. tapos na kabantay yung tatay ko dun sa lalake, habang si ate eh nasa kwarto at namamalantsa. sa sobrang kaba nung lalake, nagbabasa ng diyaryo na baliktad. after nun, hindi na nagpakita yung lalake sa bahay.

matindi din yan pagdating sa boys. linggo-linggo ata nagpapalit ng boyfriend, hehehe. matindi din ang charm kahit sa mga mas bata sa kanya. nagbakasyon kami dati sa romblon. e may crush kami nun, si feb. todo pa-cute talaga kaming magpi-pinsan sa kanya pero di kami pinapansin. yun pala, ke ate ymay nagpapacute! wala kaming laban

insecurity niyan dati yung boobs niya (or insecure nga ba? hahaha) mejo nabiyayaan kasi siya dun sa part na yun. may kwento din kasi bakit ganun ang nangyari. nung bata pa siya, siguro 9 or 10 years old, pinahiram siya ng nanay ko ng pambomba ng boobs sa kapitbahay (yung pampalabas ng gatas ng nanay). e mejo malayo yung kapitbahay. habang daan daw, binobomba niya sa dede niya kaya bago makarating ng bahay, namamaga na. hahaha! ayun, maaga siyang nagdalaga, hehehe. pero nagyon, dahil sa pagpapapayat niya, normal naman na yung size niya.

siya din ang unang nagdala ng boyfriend sa bahay. si isko, hahaha! (na ipinangalan din niya sa alaga niyang pagong) dun ako unang nakakita ng real life kissing scene, hahaha! di niya ata alam to, pero accidentally, nakita ko silang nagki-kiss ni isko sa kwarto, nyahahaha! syempre hindi ko sinabi yun, mapapagalitan ako. after ni isko, madami pang dumating.. madaming madami.

siya din ang nagbigay ng unang apo. sayang nga lang at hindi na nakita ni pareng mario. astig na nanay yan, buhay dalaga pa din, hehehe. at kaya napilitang mag-abroad eh para sa kanyang munting anghel

first porn movie na napanood ko, siya ang kasama namin: scorpio nights. haha! tatalo kami, siya, ako saka yung bunso. isinara namin ang lahat ng bintana para di makita ng kapitbahay na bold ang pinapanood namin. ideya niya yun, wag tumanggi, haha!

ngayon mabait na siya. di na nangungurot, sermon na lang, hehehe. yung tipo ng sermon na nasabi na niya dati. saka ang boses, todo emote, hahaha! parang gusto ko sabihin, "ate ymay, ikaw ba talaga yan?" kaya lang seryoso mode eh, di ka makakaepal kung gusto mo pang sikatan ng araw.

napakasipag din niyang mag-aral. 6 years sa college! yahoo! at ang tinapos? 2-year course, hahaha. mainipin ata pagdating sa school eh. siya din ang dahilan kung bakit di kami allowed pumasok nun sa manila. kasi baka magloko din kami sa pag-aaral katulad niya. pahamak e no? hahaha! at kaya lang ako nakapasok ng manila nun e kasi nakakulong ako sa mga madre. anong lusot ko pa di ba?

 

ATE JING: 28 years old (sure ako jan, tama nga ba?) siya naman yung pangalawa kong kapatid. masungit at ubod ng kuripot, hahaha! as in may bulsa sa balat. di yan bumibili ng mahal na damit. nabubuhay yan sa ukay-ukay. magkakasakit yan pag napabili ng mahal. at kahit pagdating sa regalo, pag mahal ang nabili mo, masesermunan ka pa. kaya nakakatamad ibili ng regalo ang anak niya kung makikita niya din lang, hahaha.

sobrang payat niyan nung bata pa.sobra! parang si palito, seryoso to. tapos dugyot pa yan nung bata pa. pag may sipon (or kahit wala ata) hinihilamos yung kamay niya sa mukha niya. mahirap ipaliwanag, dapat actual niyong nakikita. tomboy yan nun, kaya nagulat ako nung sumali yan sa beauty contest sa classroom nila nung grade 6 siya, hahaha! natatandaan ko pa ang pose niya sa picture, hahaha! naka-polka dots siya na pambaba, naka-fuschia pink na blouse, naka-tuck in, tapos may malapad na sombrero pa, hahahahahaahahaha! nakahawak ang isa niyang kamay sa beywang, tapos yung isa e nakahawak sa sumbreo niyang malapad, hahahahahahahahahaha! siguro gandang ganda na siya nung mga panahong yun sa itsura niya, pero kung makikita yun ngayon, isang malaking hahahahahhaha.. lagot ako dun.

masakit mangurot yun, mahahaba kasi mga kuko dati nun eh. pag may utos yun at ayaw mong sumunod, kukurutin ka nun ng sobrang sakit. akala mo pag nakurot ka pwede ka ng di sumunod? susundin mo pa din dapat utos niya. bruha di ba?

isa pang katapangan niyang angkin eh nung mag-away sila ni ate ymay. basta nagbanta na lang si ate ymay sa kanya na hihiwain siya ng hawak nitong blade. e matapang nga si ate jing so sabi niya "e di hiwain mo!" ginilitan nga siya sa likod ng blade. at alam niyo kung sinong umiyak? si ate ymay! astig no? pag di ka pa natakot jan..

siya din ang genius sa pamilya. consistent second honor sa klase yan, isang beses lang atang sumablay kaya sobrang dinamdam ni mother. hehehe. laging kasama sa outing ng klase, field trip, vocation camp, students' encounter, press conference blah blah blah. siya lang ang nakakagawa nun dati! kasi sayang naman daw sa extra curricular points pag last na ng school year. siya lang din dati ang nakakapag-overnight sa kaklase, kami bawal.

nung magka-lovelife yan, suportado ng buong pamilya. as in mataas ang tingin namin ni cleng sa kanya nun. matalino, matino sa pag-aaral, maganda ang lovelife. siya lang ang legal na nagka-boyfriend habang nag-aaral ha, kaming lahat patago. (ako pala wala talaga.) kaya kahit nung mabalitaan na buntis siya, dahil tapos na siyang mag-aral nun, magaang tinanggap ng pamilya ang kanyang pagkadapa (naks!). suportado pa din pati ang kasal niya. as in nabulabog ang buong angkan, lahat e naging busy sa paghahanda ng kasalan ng taon. alam mo kung ano nangyari? wala lang.

pero yan naman ang kumupkop sa kin nung mga unang buwan ko dito sa manila. may kabutihan din yang tinatago, di nga lang halata. kariño brutal kasi yan. suportado niyan ako nung hindi pa ko sumusweldo, pamasahe, panggastos at kung ano-ano pa. nung magdecide akong lumipat ng bahay, siya ang nagpahiram sa kin ng pambayad. baka kasi gusto na din niya kong humiwalay, hahaha!

at karamihan sa mga sinasabi niyan, drawing! hahaha. madali kasing ma-excite. nagsisimula pa lang mangyari, sure na agad siya sa magiging ending. pag may naiisip yan, gusto niya agad matutupad. pag hindi mo sinuportahan, gulo yan.

ibang klase ding ma-inlove yan. sa kanya ko napatunayan na love is blind, hahaha. basta, yun na yun.

tama na muna, baka gantihan pa ko sa blog site niya, hehehe.

 

CLENG: 23 years old (sure na sure) ang bunso ng pamilya. madalas pagkamalang tibo pero ang totoo siya ang pinakamalandi sa ming lahat. di yan nagpupulbo, hindi din marunong magsuklay. pero pag nasa bahay, naka-make up ng walang dahilan. naka-shirt at baggy pants sa labas, pag nasa bahay naka-sleeveless at short shorts. malandi di ba? sobrang conscious sa legs niya, puro peklat daw kasi. pero pag nakita mo binti niya, malalaman mong exaggerated ang pag-iinarte. sarap batukan. pang-model ang katawan kaya pag magkakasama kaming apat, ang sarap iwanan. hahaha!

eto ang pinaka-dugyot nung bata pa kami. pampagaling niya ng sugat at kati ng balat ang sarili niyang laway. major eewness! pero totoo yun. kailangan laging may petroleum jelly yan sa paa, dati langis lang. umasenso na siya ngayon. kahit tsinelas niya kailangan may langis, kaya magdadalawang-isip ka kung manghihiram ka sa kanya ng tsinelas, haha!

may special talent yan nung bata pa siya. naiko-cross niya legs niya ng sobra sobra. mahirap na namang explain, sensiya. at may talent sa pag-gugupit ng sarili niyang buhok, srious yun. nagsimula ang training niya nung bata pa siya. nagkulong yun sa kwarto, paglabas niya may bangs na siya! na sobrang iksi, hahaha! sumabit din dati ang buhok niya sa brush, yung pabilog. ayun, kailangang gupitin ang buhok para lang matanggal sa pagkakasabit. nagka-instant bangs siya uli, nyahaha. siya ata nagpauso ng bangs eh, hehehe. ayun, hanggang ngayon, siya na gumugupit ng sarili niyang bangs.

weird din to kung magka-crush. hindi niya gusto yung tipong artistahin ang dating. nawawalan siya ng gana pag madaming nagkaka-crush na babae sa isang guy, ayaw na niya dun. kaya isa lang ang celebrity crush niyan: si empoy. as in kinakikiligan niya yun! at tinatawanan niya mga hirit ni empoy, tsk tsk. sa mga hindi celebrities, ang alam kong crus niya eh yung tricycle driver dun sa school niya dati. nakita ko na ang mukha nun, hanggang ngayon, iniisip ko pa din bakit siya kilig na kilig dun. bat ba ko nakekelam eh hindi din naman gwapo mga nagiging syota ko, haha.

trivia: hindi siya nagpapakita sa ibang tao, hindi lumalabas ng bahay at hindi bumababa ng boarding house ng naka-shorts siya. kailangan naka-pants or pajama siya bago bumaba. adik.

siya ang pinaka-close ko sa aming apat. pero grabe din kami mag-away. kahit walang ka-kwenta kwentang bagay pinag-aawayan namin, haha. tapos maghapon kaming di mag-uusap. o kaya mula sa bahay hanggang MRT station di kami mag-uusap. pero pag-uwi sa hapon normal na uli, nyahaha!

 yan na lang muna, baka di na nila ako mapatawad pag sinabi ko lahat.

 

 

 

 


18 Nakapanchin!!!

Login to your account to post comment

You are not logged into your Tabulas account. Please click here to login.

Post comment as a guest

Your name:

Your email: (will not be posted publicly)

Your website:



Comment posted on May 2nd, 2008 at 05:13 PM
taragis! eh mas matanda pa ko sa mga ate mo ah, sing ganda mo ba lahat? pichur naman ng apat na maria! pagbotohan natin kung sino ang pinakamaganda. =p
Comment posted on May 2nd, 2008 at 05:19 PM
:) Rake, sa lahat naman ng andito sa tab ikaw pinakamatanda. wala na silang kalaban-laban dun. at kailangan pa bang pagbotohan kung sino maganda? siyempre ako na yun, nyahahaha! wala ka palang bilib sa akin eh.
Comment posted on May 2nd, 2008 at 11:12 AM
ang sarap ng madaming kapatid buti ka pa..tapos puro girls pa kyo ang saya siguro nyan:)
Comment posted on May 2nd, 2008 at 12:00 PM
hmmmm, masaya na hindi din minsan, hahaha! gusto ko nga may kapatid na boy eh, puro bakla naman binigay sa kin! =P
Comment posted on May 2nd, 2008 at 09:46 AM
wahahah.. kaloka... ibunyag daw ba ang mag kapatid???? hehehe..
Comment posted on May 2nd, 2008 at 11:59 AM
hahahaha! gagantihan nila ko sigurado. :P
Comment posted on May 3rd, 2008 at 12:06 PM
babangon ako't luluhod ang mga tala!
Comment posted on May 1st, 2008 at 01:43 PM
haha ok din ang family background mo ah
Comment posted on May 2nd, 2008 at 07:55 AM
mukha lang pero hindi, hahahha!
Comment posted on May 1st, 2008 at 04:56 AM
awww... i think i'm more like your bunso... di rin ako nag-kaka-crush dati sa mga pogi, yung ngang unang crush ko pangit eh, pero OK lang :D hehehehe

ang sarap sigurong magkakapatid.
Comment posted on May 2nd, 2008 at 07:52 AM
ahahahahaha.. cute naman si Lito, gwapo akshali. nakabawi ka na girl! :)
Comment posted on April 30th, 2008 at 11:35 PM
haha. natuwa ako. :D ang haba pero enjoy basahin :P nilalaglag mo mga kapatid mo.. haahah

magawa nga din yan sa mga kapatid ko..
Comment posted on May 2nd, 2008 at 07:51 AM
hehehehe.. baka balikan ka din, hahaha! tagal mong nawala boy!
Comment posted on May 1st, 2008 at 01:22 PM
terkoy kamukha mo si asuy...
Comment posted on May 2nd, 2008 at 02:46 PM
ay.. hehehe. kamukha sya nung anak ko :D
Comment posted on May 3rd, 2008 at 12:05 PM
hindi kaya ikaw nga ang tatay ni asuy? nyahahaha
Comment posted on April 30th, 2008 at 12:39 PM
hayuf ka! hayuf!

susumbong kita kay nanay...
Comment posted on April 30th, 2008 at 12:54 PM
samahan pa kita, nyahahahahha!
 User


princesscha

 Navigation
Home Content
Profile Friends
Gallery Friends Of
Links Archives
Favorites
 Communities
 Tagboard
your name:

url:

your message:

 My Links
 Categories