February 4th, 2010
Future Plans POSTED AT 12:16 PM in Mga kung ano-ano lang :P katulad nga ng nabanggit ko (sa comments ng previous entry ko), nagkaroon ako ng lecture about sa future plans ko. mahirap to para sa kin. ako ang taong walang plano sa future. hindi ko alam kung nabasa niya blog ko (hindi ko nabanggit na nagbalik blog na ako), or dahil lang sa kakakwento ko sa kanya na ayoko na nga sa trabaho ko ngayon. eto ang tumatak sa isip ko sa sinabi niya: walang taong tamad. nasa interes lang ng tao kung magiging productive at masikap siya sa kanyang trabaho or hindi. tama naman. kung hindi mo ko personal na kilala, kung nababasa mo lang ang blog ko malamang akala mo puro reklamo lang ako sa trabaho ko. pero hindi. mareklamo lang ako pag hindi ako nag-eenjoy sa ginagawa ko. pero habang nagrereklamo ako, ginagawa ko pa din ang trabaho ko. at masasabi ko naman na sa lahat ng naging trabaho ko e naging productive ako, pramis! pero eto lang kasi, ayoko ng maging call center agent! ayoko ng tumanggap ng tawag galing sa kliyente, ganun. sa trabaho ko kasi ngayon, bukod sa pagtake ng calls, nasa e-mail team din ako. pag nasa calls ako, soooobrang hindi ako motivated magtrabaho. pero pag nasa e-mail ako, kahit mag-extend ako hanggang umaga, kahit walang bayad okay lang sa kin. dun ako nag-eenjoy. dun ko narealize na mas effective ako sa work kung walang direct na communication sa kliyente. kahit nung nasa dating office ko ako, ayokong tumawag sa kliyente. utusan mo na ko ng kahit anong gagawin, wag mo lang ako paharapin sa kliyente, maaasahan mo ko. mas gusto ko yung tahimik lang ako nagta-trabaho, walang kinakausap at may sariling mundo. hanggang sa trabaho dala ko pa din ang kasupladahan ko, nyahahaha! hindi ko kasi pinangarap maging career woman. okay lang sa kin kahit hindi ako ma-promote. ang tanong nga sa kin nanjowako, ano ba nakikita mo sa sarili mo 10 years from now? ang totoo? gusto ko lang maging plain housewife. yung asawa ko saka mga anak ko ang aalagaan ko. tapos pag tinamad na ko sa bahay, saka na lang ako mag-iisip ng kung anong pagkakaabalahan. (hindi ko sinabi yan sa jowako para magparinig, nyahahahaha!) pero ang sabi niya, pano pag naging plain housewife lang ako, tapos lumaki na ang mga anak ko at wala na ang asawa ko, ano na ko? oo nga no? pero ayoko muna isipin yun eh. pero hindi pwedeng ganun pa din ang sagot ko. 27 na ko wala pa din akong plano sa buhay ko. madami naman akong gustong gawin sa buhay ko (bukod sa maging gasoline girl at dishwasher!). ilista ko nga ang mga naiisip kong gawin: 1. gusto ko makasulat ng isang libro. sisimulan kong magsulat sa mga oras na wala akong ginagawa. meaning: most of the time, nyahaha! ang topic ng libro, buhay ko. sana makabuo ako ng isang mahabang kwento. 2. gusto ko mag-business. hindi ko nga lang alam kung anong negosyo. sabi niya, kung ano daw ba hilig ko? yun nga ang problema, mukhang wala na din akong hilig sa buhay ngayon. gusto ko lang lagi makipag-date. shet! 3. gusto ko magkaroon ng sariling bahay at lupa saka kotse. kung pano ko magagawa, hindi ko din alam. 4. gusto ko mag-aral ulit. kung anong course, ewan ko pa. basta gusto ko lang mag-aral. ayoko kasi talaga ng tinapos kong course, kaya siguro nagkaganito ako. haha! 5. gusto kong magbiyahe, for pleasure. pero hindi ko din naman alam kung san ko gusto pumunta. basta gusto ko lang magbiyahe sa lugar na di ko pa napupuntahan. 6. gusto ko magpa-dreadlocks. isa sa mga araw na to, pag nakaipon na ko ng lakas ng loob, gagawin ko to. alam ko susuportahan naman niya ko. 7. gusto ko ng mag-asawa. para di ko na kailangang magtatrabaho, yahoo! haaaaay.. parang habang padami ng padami ang lista eh pawala ng pawala ng kwenta ang mga gusto kong gawin. goodluck na lang sa ken. 10 Nakapanchin!!!
|
|
February 3rd, 2010
i did my best.. :( POSTED AT 12:27 PM
baka naman over-qualified ka? yan ang pampalubag-loob na sabi ni jan, isa sa mga ka-opismates ko ngayon. wala ako naisagot. gusto kong sabihing oo, kaya lang parang sour graping naman ang labas ko nun. di ko talaga alam, rejected ang application ko. madali lang ang work, as in napakasimple lang. tapos di pa ko natanggap! as in yung mga ksabayan kong applicant e mukhang mga fresh grad at wala pang work experience. nakaka-frustrate! parang gusto kong kumain ng madami. sa sobrang ayaw ko na sa office ko ngayon, tatanggapin ko yung job na yun kahit mas mababa ang offer. kahit hindi sure ang regularization. tapos ganun ang mangyayari? baka naman may naghihintay na better na job offer. pampalubag-loob ko na lang yan sa sarili ko. pero sana nga.
|
|
